PANAHON NG PROPAGANDA
PAMAGAT:
DASALAN AT TOCSOHAN
ni Marcelo H. del Pilar
Amain Namin
(Parody ng “Our Father“)
Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyonh inaraoarao at patauanin mo kami sa iyong pagungal para nang pag papataua mo kung kami nacucualtahan; at huag mo kaming ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila.
REPERENSIYA:
“Dasalan at Tocsohan” ni Marcelo H. Del Pilar – HANDIOG (wordpress.com)
REAKSIYON:
Ito’y isang akdang nakakatawa dahil ipinapakita dito kung paano sobrang kaiba o kabaliktaran ang ginagawi ng mga prayle noon sa kanilang mga sinasabi sa mga Pilipino. Kitang-kita dito ang matinding kabalintunaan ng pagiging “banal” ng mga prayle noon sa Pilipinas. Subalit sa isang banda, nakakalungkot din ang akda at kung mababasa mo ito’t ilalagay mo ang sarili mo sa kalagayang panlipunan noon sa Pilipinas, masasabi mong nakakapukaw ito ng isipan at damdaming mapanghimagsik dahil binigyang diin sa akdang ito ang mga panlilinlang at pagsasamantalang ginagawa noon ng mga prayle sa mga Pilipino.
Comments
Post a Comment